No Vaccination, No Ride , No Entry policy ipapatupad ng LRT
Simula sa lunes January 17, bawal nang sumakay sa tren ng light rail transit ang lahat ng pasaherong walang bakuna kontra COVID-19.
Sa abiso ng LRT 2, sinabing batay na rin ito sa inilabas na panuntunan ng Department of transportation na No Vaccination no ride no entry policy.
Bago pumasok ng mga tren inoobliga ang mga pasahero LRT line 2 na magpakita ng physical o digital vaccination card at anumang government issued ID.
Ang mga walang bakuna papayagan lamang na makapasok ng tren kung magpapakita ng medical certificate na hindi sila maaring bakunahan laban sa COVID dahil sa sitwasyong pangkalusugan.
Meanne Corvera
Please follow and like us: