No vaccination no ride policy sa mga pampublikong transportasyon,ipinatitigil ng mga Senador
Ipinatitigil ng mga Senador ang patakaran ng Department of Transportation na No vaccination No ride policy sa mga pampublikong transportasyon.
Naniniwala si Senate president Vicente Sotto na ang diskriminasyon na ito ay magreresulta lang ng galit lalo na sa mga hindi bakunado.
Inirekomenda ng Senador na maghanap ng ibang solusyon para himukin ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 at huwag gamitin ang pagdestabilize sa public transportation.
Inihalimbawa ni Sotto ang paglalaan ng hiwalay na bagon sa mga tren para sa mga wala pang bakuna.
Paalala naman ni Senador Nancy Binay, mayorya ng mga filipino, gumagamit ng public transportation.
Duda si Binay kung talagang mapoprotektahan ng ganitong patakaran ang mga bakunado.
Ang mga pasahero akyat baba lang naman lalo na sa mga jeep at hindi talaga mamomonitor ng mga tsuper kung sila’y bakunado at may nararamdaman na palang sintomas ng virus.
Hinimok nito ang gobyerno na maglatag ng mas pro active na solusyon at hindi ang diskriminasyon sa kapwa filipino.
Meanne Corvera