No vaccine no ride policy hindi ipatitigil ng DOTr
Hindi babawiin ng Department of Transportation ang kautusan nitong nagbabawal sa mga pasaherong walang bakuna na sumakay sa mga public utility vehicle.
Sa kabila ito ng pahayag ng ilang constitutional expert na maaring masampahan ng class suit ang DOTr dahil sa paglabag sa karapatan ng mga pasahero.
Ayon sa DOTr, handa silang harapin ang kaso at may mga batayan kung bakit ipinatupad ang ganitong kautusan.
Hindi absolute ang karapatang pantao lalo na kung magreresulta ito para kumalat pa ang sakit.
Ilan sa kanilang pinagbatayan ang mga ipinasang ordinansa ng bawat LGU na naglilimita sa mga hindi bakunado para lumabas ng bahay.
May pag-aaral rin aniya ang World health organization na nagsasabing ang mga hindi bakunado ang may malaking tiyansa na magkaroon ng severe infection.
Meanne Corvera