No vaccine No ride policy ng DOTr ,awtomatikong suspendido kapag ibinaba sa alert level 2 ang NCR – Malakanyang
Ipapatupad lamang ang No vaccine No ride policy ng Department of Transportation o DOTR sa Metro Manila habang umiiral ang alert level hanggang January 31.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles sa sandaling ibaba sa alert level 2 ang Metro Manila ay awtomatikong suspendido ang No vaccine No ride policy.
Ayon kay Nograles ang No vaccine No ride policy ng DOTr ay nakabatay sa ordinansa na pinagtibay ng Metro Manila Council habang umiiral ang alert level 3.
Inihayag ni Nograles na layunin ng No vaccine No ride policy na protektahan upang huwag mahawa sa COVID-19 ang mga wala pang bakuna.
Niliwanag ni Nograles malalaman ngayong weekend kung mananatili sa alert level 3 ang Metro Manila o ibaba na ito sa alert level 2 sa pagpasok ng buwan ng Pebrero.
Vic Somintac