Nokor, muling nagpalipad ng ballistic missile

Muling nagpalipad ng 3 short-ranged ballistic missiles ang North Korea ayon sa US military, isang linggo matapos purihin ni US Secretary of State Rex Tillerson ang NOKOR sa paghuhunos dili nito.

Pinalipad ang missiles kasabay ng pagsasagawa ng military exercises ng Estados Unidos at South Korea.

Ayon sa US Pacific Command, ang mga missiles ay pinakawalan sa Kangwon province kung saan ang una at ikatlong missile ay pumalya sa paglipad.

Samantalang ang ikalawa naman ay nagkapiraso-piraso agad sa himpapawid MATAPOS mai-launch.

Tiniyak naman ng US defense officials na hindi pa rin maituturing na banta sa seguridad ng North America o maging sa Guam, ang pagpapakawala ng missiles ng NoKor.

 

Written By: Liza Flores

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *