NoKor posibleng hindi isakatuparan ang missile attack sa Guam
Hindi kumbinsido si dating National Security Adviser Roilo Golez, na maglulunsad ng pag-atake ang North Korea sa US Pacific Territory na Guam.
Sa panayam ng programang Eagle in Action sinabi ni Golez na batid naman ni North Korean Supreme Leader Kim Jong-Un ang kanilang kahihinatnan kung makikipag-digmaan sa pinakamakapangyarihang bansa.
Aniya manageable ang banta ng NoKor at maaaring hanggang salita lamang at hindi naman talaga maisasakatuparan ang kanilang banta.
“Ang tanong talaga bang aabot yan? at kung aabot man tatama ba yan? at mayroon ba silang kakayahan na magdeliver ng nuclear war head wala pa silang record na ganyan kasi ang rated range niyan mga 3000 to 5000 kilometers yun ang range iba yung range .iba yung subok na , hindi katulad ng missile ng Amerika at Russia well tested yan pagsinabi nilang kaya nilang kaya nilang pabagsakin ang isang missile sa isang stadium ay kaya nilang gawin pero ang north korea wala pa silang ganyang record “. – dating NSA Adviser Golez
Dagdag pa ni Golez , mas dapat pang katakutan at mas delikado sa mga Pilipino sa South Korea sakaling sumiklab ang kaguluhan ng NoKor at Estados Unidos.
Ulat ni: Marinell Ochoa