Noli de Castro, umatras na sa pagtakbo sa Senado
Umatras na sa kaniyang kandidatura sa pagka-Senador ang brodkaster na si Noli de Castro.
Kinumpirma ito ng Aksyon Demokratiko Party kung saan kabilang si De Castro.
Una rito, nagsumite si de Castro ng Statement of Withdrawal sa Commission on Elections.
Wala rin siyang inilagay na substitute candidate sa kanyang pag-atras ng kandidatura.
Si De Castro ay una nang naghain ng Certificate of Candidacy noong Oktubre 8.
Ayon kay De Castro, napag-isip isip niya na mas makatutulong siya sa pagbibigay boses sa mamamayan sa pamamagitan ng pamamahayag.
Sa kabila naman ng kaniyang pag atras, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno, standard bearer ng Aksyon Demokratiko, na inirerespeto niya ang desisyon ni De Castro.
Ayon kay Moreno, bago nila nakumbinsi si De Castro na tumakbong Senador ay matagal din niya itong pinag-isipan.
Ayon naman kay Ernest Ramel ng Aksyon Demokratiko, mananatili pa ring myembro ng partido si De Castro.
Madz Moratillo