Nominasyon ni Foreign Affairs secretary Teddy Locsin, isasalang na sa susunod na linggo

 

Isasalang na sa susunod na linggo sa Commission on Appointments (CA) ang Confirmation ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr.

Si Locsin ang itinalaga ng Pangulo kapalit ni dating Secretary Alan Peter Cayetano na nagbitiw matapos maghain ng kaniyang Certificate of Candidacy.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng CA Foreign Affairs Committee, posibleng mapabilis ang confirmation ni Locsin.

Kalakaran na aniya sa CA  na hindi na pinahahaba ang confirmation ng isang dating mambabatas na naitatalaga sa gabinete bukod pa sa wala naman aniyang naghain ng oposisyon laban dito..

Senador Lacson:
“DFA Secretary Teddy Boy Locsin’s appointment is up for the commission on appointment’s confirmation next week. as chair of the foreign affairs committee, i think it will be easier than singing in the shower”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *