Non-government organizations magkakatuwang na tumulong sa komunidad sa Bulacan
Nagsagawa ng sabay-sabay na community pantry ang Samahan ng Magkakapit-Bahay at Meycauayan Triskelion Council, habang ang YEA-Bulacan ay nagsagawa naman ng feeding activity para mga batang 3-10 taong gulang, na ginanap sa Upper Northern Hills, Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan.
Ayon sa mga kinatawan ng nabanggit na mga organisasyon, lahat ng aktibidad ay kanilang ini-ugnay sa mga opisyal ng barangay, para may mangasiwa sa kaayusan at kapayapaan at pagpapatupad ng health protocols.
Anila, masaya sila sa ginagawa nilang pagtulong kaya’t ipagpapatuloy nila ito maging sa iba pang lugar sa Meycauayan.
Maayos at matiwasay namang naipatupad ang social distancing sa pila, at ang pagspray ng alcohol sa bawat isa bago sila kumuha ng bigas, itlog, delata at iba’t-ibang uri ng gulay.
Maayos din ang isinagawang feeding activity, kung saan champorado ang nakahanda para sa mga bata.
Ulat ni Gerald Dela Merced