Non-uniformed PNP personnel na opisyal din umano ng ASG, nadakip sa Sulu
Nadakip ng intelligence operatives ng PNP sa Jolo, Sulu ang umano’y bayaw ni dating Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.
Sa isinagawang news conference ni PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar sa Zamboanga city, inanunsyo niyang ang nadakip any nakilalang si Masckur Adoh Patarasa alyas Makong o Omair Sali Taib.
Naaresto si Patarasa sa police operation sa Barangay Asturias, Jolo, Sulu , gabi ng Biyernes, July 30 ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Unit-9 of the PNP Intelligence Group, Regional Intelligence Division-9; Sulu Provincial Police Office; PNP-SAF; CIDG9 Sulu Provincial Field Unit; PNP-IMEG; Regional Maritime Unit 9 at iba pang concerned law enforcement group.
May warrant of arrest rin si Patarasa dahil sa magkakahiwalay na kaso ng kidnapping at serious illegal detention.
Sinabi ni Eleazar na si Patarasa ay isang aktibong non-uniformed personnel ng PNP na kasalukuyang nakatalaga sa Banguingui Municipal Police Station, Sulu PPO.
Ngunit natuklasang siya ay inance/Logistics Liaison officer ng Dauwla Islamiya ng ASG na kasamang nakipagbakbakan sa militar noong Marawi seige 2017 kasama ang bayaw niyang si Hapilon.
Batay din sa background investigation, nakatanggap umano si Patarasa ng pondo mula kay Almaida Salvin, isang teroristang nasa listahan ng US Treasury sanction na naaresto noong Abril ng 2019 dahil sa illegal possession ng mga pampasabog.
Pinasalamatan naman ni Eleazar ang mga tauha ng PNP Region 9 dahil sa pagkakadakip kay Patarasa.
Bahagi aniya ito ng Intensified Cleanliness Policy na ipinatutupad sa hanay ng PNP.