Non-wage benefits para sa mga manggagawa, isinulong

Bukod sa dagdag sahod, mahalaga rin ang non-wage benefits para sa mga manggagawa.

Paliwanag ni Atty. Filemon Ray Javier, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, dapat ay masiguro rin ang mga benepisyo para sa mga manggagawa gaya ng pangsiguro na mayroon silang health benefits.

Tugon ito ni Javier bilang solusyon kapag hindi naaapruhaban ang mga hirit na wage hike.

Hindi aniya dapat nakadepende lang sa wage increase upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.

Para naman sa mga pangmatagalang solusyon, dapat aniyang palakasin pa ang ekonomiya, paramihin ang mga investor, magbigay ng mga training para sa skilled workers, at pagkakaaroon ng representasyon sa kongreso.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *