Nora Aunor at 7 iba pa ginawaran ni Pangulong Duterte ng National artist award sa Malakanyang
Ginawaran ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng National Artist Award o Pambansang Alagad ng sining ang walong natatanging pinoy sa Palasyo ng Malakanyang.
Ang mga bagong hinirang na Pambansang Alagad ng sining ay sina Nora Aunor, Nora Gabaltera Villamayor sa tunay na buhay, manunulat na si Ricardo Lee, director na si Marilou Diaz Abaya, actor director na si Tony Mabesa na ginawaran ng National Artist Award for film, choreographer na si Agnes Locsin na tumanggap ng National Artist for Dance, soprano na si Fides Cuyugan Asensio na tumanggap ng National Artist Award for Music, couturier na si Salvacion Lim Higgins na ginawaran ng National Artist Award for Fashion Design at si literary Gemino Abad na tumanggap ng National Artist Award for Literature.
Ang paghirang sa bagong grupo ng mga National Artist ay sa bisa ng Presidential Proclamation 1390 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng rekomendasyon ng National Commission for Culture and Arts at Film Development Council of the Philippines.
Ang mga nahirang na National Artist ay tumatanggap ng gold plated medallion na ginawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na may kalakip na citation.
Sa mga buhay na National Artist ay binibigyan ng minimum cash award na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso at may monthly pension na limampung libong piso, life insurance, state funeral at VIP treatment sa mga state functions kasama ang mga commemoration rites at iba pang cultural presentations.
Vic Somintac