North Cotabato, Nagdeklara ng State of Calamity
Dahil sa matinding epekto ng El Niño ay pamemeste ng mga daga sa mga taniman, nagdeklara na ng state of calamity ang pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato. Ito ay upang magamit ang kanilang quick response fund bilang pang-ayuda sa mga apektadong magsasaka.
Ayon sa Head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer ng lugar, nasa 17 bayan at isang lunsod na ang dumadanas ng matinding temperatura na nagdudulot ng pagkasira ng pananim.
Please follow and like us: