Northeast Monsoon at Tail-end of a Frontal system, umiiral sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa umiiral na Tail-end of a Frontal system sa Eastern section ng Visayas at Northeast Monsoon naman sa Luzon.
Ayon sa Pag-Asa, posible rin ang mga flashfloods at landslides sanhi ng moderate to heavy rains.
Samantala, ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora, at Quezon ay magiging maulap rin ang papawirin ngayong araw habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap na may paminsang mahinang pag-ulan.
Habang ang Western Visayas at Mindanao ay magiging bahagya ring maulap na may isolated rainshowers sanhi ng localized thunderstorms.
Sinabi pa ng Pag-asa aya wala silang namomonitor na sama ng panahon na maaaring mabuo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.