Northern Florida inulan nang husto dahil sa tropical storm Debby

The Shore Acres neighborhood begins to flood from high tide in the Tampa Bay while Tropical Storm Debby approaches the gulf coast, in St. Petersburg, Florida, U.S., August 4, 2024. REUTERS/Octavio Jones

Nagbuhos ng maraming ulan ang Tropical Storm Debby sa northern Florida na ikinamatay ng ilang katao, habang kumikilos patungo sa Georgia at Carolinas na may banta ng malalakas na mga pag-ulan at pagbaha sa buong rehiyon.

Ayon sa National Hurricane Center (NHC), ang bagyo na mabagal na kumikilos ay nanalasa sa Gulf Coast ng Florida nitong Lunes ng umaga bilang isang Category 1 hurricane, na naglandfall malapit sa Steinhatchee nasa 70 milya (115 km) timog-silangan ng Tallahassee.

Taglay nito ang lakas ng hanging ng hanggang 80 mph (130 kph) nang tumama ito sa Big Bend region.

Sa ulat ng mga opisyal at law enforcement, isang dose anyos na batang babae at isang 13-anyos na batang lalaki ang namatay sa Levy County dahil sa bumagsak na puno, habang isang 19-anyos na lalaki naman ang namatay malapit sa Valdosta, Georgia, nang bumagsak ang isang puno sa isang porch.

Ang iba pang namatay sa bagyo ay isang truck driver na nawalan ng kontrol sa minamaneho niyang 18-wheeler sa Interstate 75 at nahulog sa Tampa Bypass Canal. Namatay naman ang isang 38-anyos na babae at kaniyang dose anyos na anak na lalaki, matapos bumangga ang sinasakyan nilang SUV sa Dixie County hilaga ng Tampa habang kasagsagan ng bagyo.

Ayon sa Poweroutage.us, halos 150,000 customers ang nawalan ng suplay ng kuryente nitong Lunes ng gabi sa Florida, habang daan-daang flights na galing at patungo sa Florida airports ang nakansela batay sa flight trackers.

Ipinagpaliban ni Vice President Kamala Harris ang isang campaign stop na nakatakda sana sa linggong ito sa Savannah, Georgia, ayon sa ulat ng Savannah Morning News.

Water levels reach a business, while Hurricane Debby affects the gulf coast in Steinhatchee, Florida, U.S., August 5, 2024. REUTERS/Ricardo Arduengo

Sinabi ng mga opisyal, na mahigit sa 500 katao ang nailigtas sa tubig-baha mula sa mga bahay at mga sasakyan sa Sarasota, Florida, at nasa 180 katao rin ang nailigtas sa Manatee County.

Ayon sa hurricane center, si Debby ay tatawid sa Georgia at kikilos patungo sa Atlantic Ocean pagdating ng Martes ng gabi, pagkatapos ay muling lalakas at muling magla-landfall sa ikalawang pagkakataon, na malamang ay sa South Carolina malapit sa Charleston.

Sinabi pa ng hurricane center, “The storm was near the Florida-Georgia border late on Monday, about 35 miles (60 km) west of Brunswick, Georgia, and crawling at 7 mph (11 kph) northeast with sustained winds of 45 mph (75 kph) and higher gusts.”

Sa pagtaya ng NHC, magkakaroon ng “catastrophic flooding,” sa ilang mga lugar sa kahabaan ng Atlantic coast kung saan 20 hanggang 30 pulgada (76 cm) ng ulan ang babagsak pagdating ng Biyernes ng umaga. Nagdeklara na ng states of emergency ang mga gobernador ng Georgia, South Carolina at North Carolina bilang paghahanda sa magiging pinsala ni Debby.

Nitong Lunes ng hapon, si Debby ay nagbagsak na ng walo hanggang 16 na pulgada sa ilang bahagi ng central Florida, ayon sa local weather reports.

Sinabi ni Kevin Guthrie, executive director ng Florida Division of Emergency Management, “This is going to be an event that is going to be probably here for the next five to seven days, maybe as long as 10 days, depending on how much rainfall we get.”

Sa isang briefing ay sinabi ni South Carolina Governor Henry McMaster, “It may be the most water we’ve seen in a long while. There may be flooding in areas that never flooded in the past.”

Ayon naman kay Savannah Mayor Van Johnson, “The city could expect a “once in a thousand year” rain event. This will literally create islands in the city.”

Isang mabagal na kumikilos na bagyo nang ito ay dumaan sa Cuba, si Debby ay nakakuha ng lakas mula sa hindi pangkaraniwang mainit na tubig sa Gulf habang ito ay lumilinya sa Gulf Coast ng Florida noong Linggo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *