Northern France nangangamba sa mga pagbaha dahil sa malalakas na mga pag-ulan
Nagsara ang mga eskuwelahan sa Northern France at nagdulot ng pangamba ng muling pagkakaroon ng mapaminsalang mga pagbaha, bunsod ng malalakas na mga pag-ulan.
Sinabi ng mga opisyal na ang mga paaralan at nurseries sa 279 na bayan sa Pas-de-Calais ay buong araw na isasara ngayong Martes, kung saan kabuuang 388 mga establisimyento ang maaapektuhan. Babala ng prefecture, ang lakas ng mga pag-ulan ay maaaring tumindi pa ngayong Martes.
Apat na ilog sa Pas-de-Calais at sa Nord regions – kabilang ang Aa, Canche, at Hem – ay nasa orange alert na para sa pagbaha nitong Lunes pa lamang, ayon sa Vigicrues, ang opisyal na river flooding watchdog.
Sa village ng Neuville-sous-Montreuil, hanggang kaninang umaga ay naglilimas pa ng tubig-baha ang may-ari ng isang restaurant na si Cyril Theriez.
Aniya, “Flood water rose to 1.6 metres (5 feet) in my cellar two days ago. Now it’s down to 20 centimetres.”
Sinabi pa nito na malaking bahagi ng village ang lubog pa rin sa tubig-baha, kaya patuloy silang nagbabantay kung muling tataas ang tubig dahil sakaling mangyari ito ay hindi na naman sila makakatulog ng maayos.
Ang Pas-de-Calais ay tinamaan ng bagyong Ciaran sa mga unang bahagi ng Nobyembre at nakaranas ng grabeng pagbaha noong isang linggo.
Sa forecast naman ng Meteo-France ay magkakaroon pa rin ng mga pag-ulan hanggang bukas, Miyerkoles na susundan ng muling pagsama ng panahon hanggang sa Lunes.