Northern Venezuela niyanig ng magnitude 7.0 na lindol

                                         photo credit: www.express.co.uk

Niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang karagatang sakop ng Northern Venezuela.

Ayon sa Pacific Tsunami warning center,  naitala ang lindol sa karagatan ng Sucre at naramdaman din ang malakas na pagyanig sa  Trinidad and Tobago, St. Lucia region, at Aragua.

Unang itinala ng US Geological survey sa magnitude 7.3 ang naturang pagyanig.

Agad namang naglabasan ng gusali at bahay ang mga residente nang maramdaman ang pagyanig.

Ayon sa ilang netizens, tumagal ng 20 segundo ang naramdaman nilang pagyanig ng lupa at kita nilang nag-uugaan ang mga bahay at mga sasakyan.

Nauna nang nagpalabas ng Tsunami warning ang Pacific Tsunami warning center o PTWC sa mga coastal areas at kalapit na isla na TRinidad and Tobago at Grenada.

Pero binawi rin ito ng PTWC.

Samantala, nagbabala ang PTWC sa  mga residenteng naninirahan sa mga coastal areas na manatiling mapagmatyag dahil sa posibleng umabot ng mahigit sa 30 cm ang normal tide level sa mga susunod na oras.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *