Note verbales na ipinadala ng Marcos Administration sa Tsina dahil sa mga insidente sa West PH Sea, umaabot na sa 99
Kabuuang 99 diplomatic protests o note verbales na ang ipinadala ng Pilipinas sa Tsina sa ilalim ng Gobyernong Marcos kaugnay sa mga insidente sa West Philippine Sea o South China Sea.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang noong July 21, umabot sa 67 ang note verbales ng Marcos Administration noong 2022 habang ngayong 2023 ay 32.
Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, ang NVs ay protesta sa mga iligal na presensya at aksyon ng mga barko ng Tsina sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.
Hindi naman tinukoy ng DFA kung kasama na sa mga nasabing protesta ang insidente sa Ayungin Shoal noong June 30.
Sa ikalawa niyang State of the Nation Address (SONA), iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na puprotektahan ng gobyerno ang sovereign rights at territorial integrity ng bansa alinsunod sa rules-based international order.
Moira Encina