Notice to Mariners, inisyu ng PCG matapos ang pag-atake sa isang Vietnamese Vessel
Nag-isyu na ang Philippine Coast Guard ng Notice to Mariners kasunod ng pag-atake ng mga pirata sa isang Vietnamese Vessel malapit sa Tawi-Tawi.
Ayon kay PCG Spokersperson Commander Armand Balilo, ito ay para maipaalam sa iba pang mga naglalayag ang nangyaring insidente at para makatulong na rin ang mga ito sakaling makita nila ang mga armadong lalaki na sumalakay sa MV Giang Hai.
Nag-organisa na rin ang PCG ng pursuit operation katuwang ang AFP at PNP laban sa mga pirata.
Nahatak na rin kaninang alas -onse ng umaga ang sinalakay na dayuhang barko patungo sa anchorage ng Taganak Island.
Una nang kinumpirma ng Coast Guard na isa ang namatay at pito ang dinukot ng mga armadong lalaki na umatake sa MV Giang Hai nitong linggo ng gabi.
Ulat ni : Moira Encina