Notice of termination ng peace process sa CPP NPA NDF pipirmahan ni Pangulong Duterte
Desidido na si Pangulong Rodrigo Duterte pormal ng putulin ang isinusulong na usapang pangkapayapaan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front o CPP NPA NDF.
Sinabi ng Pangulo pipirmahan niya ang formal notice of termination ng peace process sa mga rebeldeng komunista.
Ayon sa Pangulo talagang ayaw na niyang makipag-usap pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista dahil hindi na seryoso ang mga ito dahil sa patuloy na ginagawang pag-atake sa tropa ng pamahalaan.
Batay sa term of reference ng peace process kinakailangang magbigay ng formal notice of termination ang gobyerno sa Norway na tumatayong third party facilitator.
Sa sandaling magkaroon ng formal notice of termination ng peace talk mawawalang bisa na rin ang safe comduct pass na ibinigay sa mga lider ng rebeldeng komunista at maaari na silang arestuhin lalo na ang mga mayroong pending criminal case sa hukuman.
Ulat ni: Vic Somintac