Novak Djokovic, pasok na sa second round ng US Open
NEW YORK, United States (AFP) – Umabante na sa 2nd round ng US Open ang world number one na si Novak Djokovic ng Serbia, matapos talunin ang Danish teen qualifier na si Holger Rune sa score na 6-1, 6-7 (5/7), 6-2, 6-1.
Tatangkain ni Djokovic na manalo sa US Open para makumpleto ang una niyang men’s singles calendar-year Grand Slam, at makuha ang men’s career record na 21 major titles.
Ayon kay Djokovic . . . “You have tons of expectations and pressure from just the whole tennis community, including myself. Obviously, I would like myself to win the title and make the history. Without a doubt that’s something that inspires me.”
Si Djokovic ay mayroon nang 20 Slam titles.
Dinomina ng 34-year-old Serbian ang malaking bahagi ng match, na nauwi sa pagkatalo ni Rune sa kanilang tunggalian na tumagal ng dalawang oras at 15 minuto sa Arthur Ashe Stadium.
Ayon kay Djokovic . . . “It wasn’t the best of my performamces, at the same time Rune played well in the second set when it mattered and I didn’t serve well in the second set.”
Nakaranas ng cramps ang 145th-ranked na si Rune pagdating ng third set, kaya’t nahirapan na itong maglaro.
Samantala, ang susunod namang makakalaban ni Djokovic ay ang 121st-ranked Dutchman na si Talon Griekspoor.
Agence France-Presse