NPA ambush sa PSG sa North Cotabato hindi makakaapekto sa aktibidad ni Pangulong Duterte ayon sa Malakanyang
Niliwanag ng Presidential Security Group na walang kinalaman sa aktibidad ni Pangulong ang pagkaka-ambush ng mga PSG personnel sa Arakan North Cotabato.
Sinabi ni PSG Commander Brigadier General Lope Dagoy na regular adminiatrative movement o palitan ng duty ang pagbiyahe ng mga PSG mula Panacan Davao papuntang Cagayan de Oro.
Ayon kay General Dagoy apat lamang ang nasugatan sa pakikipag-enkuwentro ng PSG personnel sa mga rebeldeng NPA sa North Cotabato.
Inihayag ni Dagoy na mahigpit ang seguridad na ibinibigay kay Pangulong Duterte saan man ito magtungo para sa kanyang mga public engagement.
Sa ngayon ay nasa Davao si Pangulong Duterte para sa kanyang paghahanda sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA sa Lunes July 24.
Ulat ni: Vic Somintac