NPC, pinag-aaralang gawing pambato sa 2022 National elections sina Senador Lacson at Senador Pacquaio
Pinag-aaralan ng Nationalist Peoples Coalition na kunin sina Senador Ping Lacson o si Senador Manny Pacquiao para maging pambato sa May 2022 Presidential elections.
Ayon kay Senate president at NPC Chairman Vicente Sotto III, mas malaki ang tyansa na maging standard bearer si Lacson na isang independent.
Pero pinag-aaralan pa lang aniya ang opsyon at ikokonsulta muna ito sa lahat ng miyembro.
Wala pa raw nabubuong pasya ang partido dahil ongoing pa ang consultations at posibleng i -anunsyo ito sa agosto.
Bukod kay Lacson, ikinukunsidera rin nilang i adopt para maging standard bearer si Pacquaio.
Aminado ang Senador na mas marami pa rin ang supporters sa ngayon ni Pacquaio.
Si pacquaio ang kasalukuyang pangulo ng ruling party na PDP laban.
Gayunman, wala aniya silang balak na makialam sa anumang bangayan sa pulitika ng PDP laban.
Meanne Corvera