NTC inatasan ang telcos na bilisan ang pagbabalik ng serbisyo sa mga lugar na sinalanta ng magnitude 7 na lindol
Pinamamadali na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng telecommunication company sa bansa na gawin ang lahat para maibalik agad ang serbisyo sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol.
Partikular na rito ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang mga lugar sa Northern Luzon na labis na naapektuhan ng lindol.
Bilin pa ni Cordoba na matiyak na may sapat na technical at support personnel maging standby generators na may extra fuel, tools at spare equipment sa mga apektadong lugar.
Pinagsisumite rin ng NTC ang mga telco ng update report kaugnay sa restoration activities sa kanilang network at facilities.
Pinagsusumite rin sila ng timeline para sa full restoration ng kanilang serbisyo.
Madelyn Moratillo