NTC kinilala bilang runner-up FOI Champion awardee
Binigyang parangal ang National Telecommunications Commission (NTC) bilang runner-up FOI Champion awardee sa katatapos na 2022 Freedom of Information Awards ceremony.
Kinilala rin ang NTC bilang isa sa Top Requested and Performing Agencies na may mahigit 1,000 requests at 90% closed transactions sa eFOI portal.
Noong nakaraang taon, itinanghal rin na FOI champion ang NTC, habang ito na ang ika-limang sunod na taon na kinilala ito bilang Top Requested and Performing Agency.
Sa ngalan ni dating NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, tinanggap nina NTC FOI Officer Divina Daquioag, at NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan ang parangal.
Tiniyak naman ni NTC Deputy Commissioner Salvahan ang patuloy na pagsunod ng ahensya sa mga programa at prinsipyo ng FOI.
Makakaasa umano ang publiko ng transparent, mabilis at reliable public service mula sa NTC.
Madelyn Villar