NTC pabor sa planong SIM card registration
Pabor ang National Telecommunications Commission sa planong pagpaparehistro sa Subscriber Identity Module o SIM cards sa bansa.
Ayon kay Deputy Comm. Edgardo Cabarios ng NTC, makakabuti sa mga indibidwal ang nasabing hakbang.
Nakausap na rin nila ang mga Telecommunications company at sinang-ayunan ang nasabing hakbang.
Magugunitang isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang naturang hakbang para matigil na ang anumang krimen gamit ang mga sim cards.
Please follow and like us: