NTC, pinatitiyak sa Telcos ang kahandaan sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Florita
Mahigpit ang kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga Telecommunication company sa bansa na siguruhing handa sila sa pagtugon sa naging epekto ng bagyong Florita.
Sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, nakasaad na dapat ay may sapat na bilang ng technical at support personnels, nakastandby na generator na may extra fuel, at iba pang kinakailangang gamit sa mga lugar na dinaanan ni Florita.
Para sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad, sinabi ni Cordoba na dapat maging mabilis ang mga Telco sa repair at restoration ng naputol na serbisyo.
Inatasan rin ng NTC ang mga ito na magbigay ng libreng tawag at maglagay ng libreng charging stations sa mga sinalantang lugar.
Madelyn Villar – Moratillo