NTF-ELCAC, namimiligro umanong matanggalan ng pondo
Namimiligrong matanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o ntf elcac dahil sa pagtanggi nitong sibakin sa pwesto si Lt General Antonio Parlade.
Sinabi ni Senator Ping Lacson na isa sa mga sumusuporta sa mga programa ng NTF-ELCAC, maging siya ay nadismaya sa tila pang-iinsulto ng ahensya.
Sa halip raw kasi na sibakin si parlade, naglagay pa ng apat na iba pang tagapagsalita sa NTF-ELCAC.
Taliwas rin ito sa ibinigay na assurance si Defense Secretary Delfin Lorenzana na tatanggalin si Parlade batay sa kanilang kasunduan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na siya ring vice chairman ng ahensya.
Dahil dito, nawalan na aniya ng tagasuporta ang NTF-ELCAC sa Senado.
Nangangahulugan ito na wala nang maaring magdepensa sa budget ng ahensya kapag isinalang na ang panukalang budget ng ahensya pagkatapos ng sona sa hulyo.
Nauna nang iginiit ng mayorya ng mga Senador ang zero budget ng ahensya para sa 2022 dahil sa pagdawit ni Parlade sa ibang ibang personalidad at mga organizers ng community pantry sa komunistang grupo.
Meanne Corvera