Nuclear Testing ng North Korea, Kinondena ng Pilipinas
Hindi sinang-ayunan ng Pilipinas ang isinagawang Nuclear Testing ng North Korea sa kanilang hydrogen bomb.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang ginawa ng North Korea ay labag sa resolusyon ng United Nations Security Council. Kaugnay dito, obligado ang North Korea na itigil na ang anumang uri ng nuclear test.
Sinabi rin ng DFA na ang ginawang ito ng North Korea ay maaaring magresulta sa provocation ng ibang mga bansa upang maglunsad ng giyera laban sa iba pang mga bansa.
Kaisa ang Pilipinas sa panawagan sa North Korea upang abandunahin at itigil na ang anumang armas nuclear at iba pang mga programang kaugnay nito.