Number coding scheme pinalawig ng Metro Manila Council
Pinalawig na ng Metro Manila Council ang number coding scheme bilang paghahanda sa face to face classes.
Simula sa lunes August 15, ipatutupad ang number coding mula alas siete hanggang diez ng umaga at alas singko ng hapon hanggang alas ocho ng gabi.
Ito’y dahil sa inaasahang pagdagsa ng karagdagang 30 percent ng mga sasakyan sa Metro manila sa pagbubukas ng klase.
Ayon kay MMDA acting Chairman Engineer Carlo Dimayuga, napagkasunduan ito sa Metro Manila Council meeting kanina.
Samantala, hindi pa sila manghuhuli mula August 15 hanggang 17, pero sa August 18, mag- iisyu na sila ng ticket.
Magpapakalat naman ang MMDA ng mga karagdagang bus sa Commonwealth Avenue, C5 at kahabaan ng EDSA para sa libreng sakay.
Meanne Corvera