Number Coding, suspendido sa Mayo 9

Photo: www.facebook.com/MMDAPH

Suspendido ang pagpapatupad ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme, mula ala-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi sa Mayo 9, Lunes, araw ng Eleksyon 2022.

Ang Mayo 9 ay una nang idineklara ng Malacañang bilang special non-working holiday.

Ibig sabihin, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2 na sakop ng coding tuwing Lunes, ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila sa coding hours na mula ala-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Please follow and like us: