Numero sa mga surveys, malabo nang mabago– Prof. Tayao
Kung si political analyst Prof. Edmund Tayao ang tatanungin, malabo nang gumalaw ang mga numero sa mga pre-election surveys partikular sa presidential race.
Base sa mga pinakahuling surveys sa mga presidential aspirants, lagpas 50% si dating Sen. Bongbong Marcos habang si Vice President Leni Robredo ay nasa 20% ilang linggo bago ang halalan.
Ayon kay Tayao, ang 50% ratings ni BBM ay hindi na gumagalaw at kung bumaba man ay nasa 2 hanggang 5 percentage points lamang.
Sinabi pa ng professor na nag-plateau o naabot na rin ni Robredo ang limit nito sa ratings.
Ang mga nadagdag na puntos din aniya ni Robredo sa mga nakaraan ay hindi galing kay Marcos kundi sa ibang kandidato.
Naniniwala rin si Tayao na kaya malaki ang lamang ni BBM sa pangunahing katunggali nito na si Robredo na pumapangalawa sa surveys ay dahil sa hindi “acceptable” ang VP sa karamihan ng mga botante.
Moira Encina