Nursing home sa Japan, nagha-hire ng babies
Isang nursing home sa Southern Japan ang nagha-hire ng mga baby para sa isang napakahalagang trabaho — ang samahan at pasayahin ang Elderly Residents doon. Ang salary? Diapers at Milk formula.
Ang mga bagong recruits sa pasilidad sa Kitakyushu ay dapat na wala pang apat na taong gulang, at ang kanilang guardians ay dapat na lumagda sa isang kontrata na nagsasabing ang mga baby at toddlers ay maaaring mag-report sa trabaho kung kailan nila gusto.
Papayagan din silang mag-break kapag sila ay nagugutom, inaantok o depende sa kanilang mood, ayon pa sa kontrata.
Sinabi ni Kimie Gondo, Head ng Nursing Home na sa ngayon ay higit 30 babies na ang nag-sign up, para samahan at pasayahin ang higit 100 matatandang residente ng pasilidad na karamihan ay nasa kanila nang 80’s.
Aniya, “The mere sight of babies makes our residents smile, there is no shift roster or anything.”
Ayon pa kay Gondo, “The babies stay with their mothers all the time. It’s just like they’re being taken for a walk in a park.”
Tuwang-tuwa naman ang mga residente ng pasilidad sa mga young recruit, kung saan nagbatian sila, nagyakapan at nag-usap.
Sinabi ng isang residente sa pasilidad, “They’re cute. It reminds me of when I was parenting.”
Ani Gondo, “So far, the scheme has produced excellent results. Some of the children get along with our residents so well, they’re now like real grandparents and grandchildren.”
@ Agence France-Presse