NVOC minamadali na ang pagbuo ng guidelines para sa 2nd booster dose ng COVID-19 vaccine
Doble kayod ang National COVID-19 Vaccination Operations Center kahit ngayong holiday para mabilis na mailabas ang guidelines patungkol sa ikalawang booster dose.
Una rito, kinumpirma ng Department of Health na inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang Emergency Use Authorization para sa 2nd booster.
Target umano ng NVOC na agad masimulan ang pagbibigay ng pangalawang booster sa piling myembro ng populasyon sa lalong madaling panahon.
Tiniyak ng NVOC na ikukunsidera nila ang lahat sa pagpili ng mga brand para sa 2nd booster at maging ang ilang posibleng operational challenges gaya ng cold chain logistics at iba pa.
Una ng sinabi ng DOH na 2nd booster dose ay ibibigay 4 na buwan makalipas ang unang booster dose.
Ito ay para sa moderate at severe immunocompromised patients.
Madelyn Villar-Moratillo