Oath-taking ni Malay, Aklan Mayor Ceciron Cawaling, hindi kinikilala ng DILG
Hindi kinikilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang panunumpa ni Mayor Ceciron Cawaling kahapon bilang alkalde ng Malay, Aklan.
Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na lahat ng mga nare-elect na mga suspendidong opisyales ay hindi makakaupo sa kanilang puwesto hanggang matapos ang kanilang suspension order .
Aniya, ang kinikilala lamang nila ay ang pagiging officer-in-charge ni mga bise-alkalde sa katauhan ni Vice-Mayor Floribar Bautista bilang acting Mayor ng bayan ng Malay.
Si Cawaling ay nanumpa sa kabila ng dismissal order at perpetual disqualification na inilabas ng DILG noong Abril 15 sa isyu ng Boracay.
Nanindigan si Cawaling na mayroon siyang Certificate of Statement of Canvass, Oath of Office at Certificate of Proclamation mula sa Comelec kaya humarap siya sa kaniyang mga supporters kahapon.
“Lahat ng mga nare-elect na suspendidong o perpetual disqualifcation na mga opsiyales, hindi sila makakaupo sa kanilang puwesto at ang Vice-Mayor ang gagawin nating OIC until such time na matapos nila ang suspension order o makakuha sila ng restraining order sa Court of Appeals na suspending the order of Ombudsman“.