Obama, humingi ng tulong pinansyal sa US Congress upang labanan ang Zika Virus
Humingi ng tulong pinansyal si US President Barrack Obama sa kanilang kongreso upang pondohan ang paglaban sa Zika Virus. Tinatayang umabot sa $1.8 Billion ang hinihinging pondo ni Obama na gagamitin naman sa kanilang mosquito control programs, paggawa ng vaccines, pagsagawa ng mga diagnostic tests at ayuda sa mga low income pregnant women.
Ayon sa White House, dapat maghanda ang Estados Unidos sa paglaganap ng virus lalo pa’t nalalapit na ang summer at spring season sa kanilang bansa.
Please follow and like us: