Obesity, huwag mong balewalain
Mga kapitbahay, hello!
Pagkuwentuhan natin ang obesity , na isang karamdaman.
Ito ‘yung bumibigat ang timbang at nagkakaproblema na sa joints at iba pang bahagi ng katawan.
Ang sabi nga ng isang doktor na ating nakausap , kapag obese ang isang tao, naroon ang posibilidad ng kumplikasyon bago matugunan o masolusyunan.
Kapag obese , you should watch your diet , dapat ay umiwas sa processed foods , refined foods . Kung tinapay , mas piliin ang wheat bread, sa halip na milk tea, mag yogurt .
Hindi sa ginugutom o pinipigilan na kumain pero, kailangan na maging tama ang pagpili o magkaron ng right choice sa pagkain na kakainin , opt for a better choice .
Siyanga pala, sa halip na de lata, ang kainin ay freshly cooked and freshly bought .
Samantala, kung exercise naman ang pag-uusapan.
Ang paglalakad ay mainam.
Alam ba ninyo na ang bawat hakbang or every step ika nga ay makatutulong sa pagbaba ng timbang.
Sa isang 2022 study, sinasabing healthy adults can take anywhere between approximately 4 thousand – 18k steps a day.
At ang sampung libong hakbang or 10k steps is a reasonable target for healthy adults.
Unfortunately, dahil sakit ang obesity , hindi sapat ang diet at exercise lamang. Kung decided ka talaga na magbawas ng timbang , mas mabuting kumausap ng doktor o paramedical person para matulungan ka.
Alalahanin na kapag hinayaan lang o kapag nagningas kugon lang, babalik lang sa dati ang problema.
Kaya nga, mas mabuting aware tayo tungkol sa obesity lalo pa nga at ikinukunsidera itong serious global public health challenges of the 21st century .
Remember that obesity ay sakit at hindi ganuon kadaling i-manage.
Kung nagda-diet ka naman , kahit nag-eexercise ka pa subalit hindi nababawasan ang iyong timbang, kumausap ng doktor para magabayan ka, at magawa ang dapat na gawin . Pasensiya na at paulit-ulit na ako ha .
Mas mabuti nang nagpapaalala , para maiwasan o mabawasan ang kumplikasyon na dala ng sobrang kabigatan o mataas at sobrang timbang .