Occupancy rate ng ICU beds sa bansa, umabot na sa 73%
Umabot na sa 73% ang occupancy rate ng Intensive Care Units o ICU beds sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, sa 4,139 ICU beds na inilaan para sa Covid 19 patients sa bansa, 3 026 na ang okupado.
Sa 14,336 ward beds naman, 67% o 9,605 na ang okupado.
Ayon sa DOH, hanggang nitong Agosto 22, sa 38 624 Covid 19 beds sa bansa,24,937 na ang okupado.
Sa 20,149 isolation beds naman sa bansa, 61% o 12 306 na ang okupado.
Kahapon naitala ang panibagong record high na 18,332 na bagong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ang Pilipinas ay una ng itinaas sa high risk classification dahil sa mataas na average daily attack rate ng virus.
Madz Moratillo