Occupancy rate sa mga District hospital ng Maynila mahigit 50% na
Umabot na sa 51% ang occupancy rate sa 6 na District hospitals ng Lungsod ng Maynila.
Sa datos ng Manila LGU, sa kanilang 494 COVID-19 beds ay 251 na ang okupado.
Ang Sta Ana Hospital ang may pinakamataas na occupancy rate kung saan 67% ng kanilang inilaang COVID beds ay okupado na.
Sinundan ng Ospital ng Tondo na may 61% occupancy rate, 58% naman sa Ospital ng Sampaloc, at 56% naman sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Sa Gat Andres Bonifacio Hospital naman ay mababa pa ang occupancy rate na nasa 31% at 39% naman sa Ospital ng Maynila.
Sa Manila COVID-19 Field Hospital naman, bahagyang bumaba ang occupancy rate na nasa 82% na lamang.
Ang COVID-19 quarantine facilities naman sa lungsod, 30% na ng 693 beds ang okupado.
Sa datos ng Manila LGU,hanggang nitong Enero 9, may 1, 413 aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod.
Madz Moratillo