OCTA: Mas mahigpit na restriction, dapat ipatupad sa Davao City
Kumpara sa ibang lungsod, ang Davao City ay nanguna ng pitong linggo sa mga may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa bansa mula noong Hunyo.
Sa Data Drop ng Department of Health, mula June 7 hanggang July 19 ay nanguna ang Davao City sa mga lungsod na may pinakamataas na daily Covid cases kumpara sa iba pang high-risk cities na kinabibilangan ng Cebu, Bacolod, Iloilo, Makati, Cagayan de Oro, Baguio, General Santos, Laoag, Lapu-Lapu, at Butuan.
Ang COVID-19-related deaths naman sa Davao sa nasabing panahon ay nasa 2.72%, mas mataas ito kumpara sa Quezon City na nasa 1.47% lamang.
Ang ICU utilization rate naman ng Davao ay nasa 96% na.
Dahil rito, naniniwa si Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research Team na kailangang magpatupad ng mas mahigpit na restriction sa Davao.
Maaari kasi aniyang hindi gumagana ang strategy ng lokal na pamahalaan kaya dapat itong baguhin at maglatag ng bagong polisiya.
Giit ni Rye ang Davao ang epicenter sa Mindanao kaya naman unang dapat na tutukan ang mga kaso sa lungsod.
Noong June 5 hanggang June 20 ay isinailalim sa MECQ ang Davao City subalit kung titignan ay hindi rin umano ito nakatulong.
Madelyn Moratillo