OCTA, nababahala sa positivity rate sa NCR na lumampas na sa 5%
Inihayag ng OCTA Research Group, na ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) ay lumampas na sa 5 percent hanggang nitong Lunes, ang unang pagkakataon simula noong Oktubre.
Sinabi ni OCTA Research Group fellow, Dr. Guido David, na dahil sa nabanggit na positivity rate, ang bagong mga kaso ng Covid-19 ay inaasahang aabot ng 1,200 na hindi bababa sa 400 infections sa NCR ngayong Miyerkoles.
Ang positivity rate ay ang percentage ng Covid-19 tests na ginawa na ang resulta ay positive sa isang tukoy na lugar o rehiyon.
Ayon kay David . . . “There is now a concern that this is not just a holiday uptick. Please be advised that the situation is changing in the NCR and we must now be mindful of minimum public health standards.”
Dagdag pa niya, ang reproduction number sa rehiyon ay tumaas sa 1.03 at maaari pa itong tumaas ng hanggang 1.39 base sa testing.
Ang reproduction number ay ang bilang ng mga indibidwal na maaaring mahawaan ng COVID-19 na mayroon nito.
Aniya . . . “This rapid increase in the reproduction number could only mean one thing. Let us continue to be extra vigilant.”