Office of Consular Affairs sa Aseana, Parañaque sarado pa rin ngayong araw

Namamalaging sarado hanggang ngayon, Biyernes, Nov. 13, ang Office of Consular Affairs sa Aseana, Parañaque City.

Ayon sa  Department of Foreign Affairs, sarado rin ang mga sumusunod na consular offices:

– Region II
– Region III
– Region IV (CALABARZON, MIMAROPA)
– Region V
– Cordillera Autonomous Region (CAR), and
– National Capital Region

Paliwanag ng DFA, ang pansamantalang pagsasara ay bunsod ng sama ng panahong dulot ng bagyong Ulysses, alinsunod na rin sa pahayag ng Tanggapan ng Pangulo.

Magpapatuloy naman ng regular na operasyon ang nabanggit na mga tanggapan sa Lunes, November 16.

Ayon sa DFA, ang mga apektadong aplikante na may kumpirmadong appointments  ay dapat na humingi ng panibagong schedule sa pamamagitan ng pag-email sa tanggapan kung saan nila nakuha ang kanilang appointments kasama ng sumusunod na mga impormasyon:

– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Maaaring humingi ng bagong appointments mula Lunes hanggang Biyernes (November 16 – December 16), sa regular operation hours ng mga nabanggit na tanggpan.

Kung ang appointment ay naka-schedule sa Office of Consular Affairs sa Aseana, Parañaque City (OCA-Aseana), ang email na humihingi ng panibagong appointment ay dapat ipadala sa:

– passport appointment: [email protected]
– authentication appointment: [email protected]
– civil registry matters (Report of Birth/Marriage/Death): [email protected]

Kung ang appointment naman ay naka-schedule sa isa sa mga apektadong  consular offices, ang email ay dapat ipadala sa email addresses ng mga ito na nasa talaan ng DFA Consular Offices directory sa https://consular.dfa.gov.ph/directory.

Dagdag pa ng DFA, kung kailangan ng mga aplikante ng emergency o urgent consular service, ay maaari nilang makontak ang mga nabanggit na tanggapan s apamamagitan ng email.

Liza Flores

Please follow and like us: