Office of the Ombudsman hindi na iaapela ang pagabsuwelto ng Sandiganbayan kay Sen. Revilla
Tinapos na ng Office of the Ombudsman ang kaso nito laban kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
Ito ay makaraang ibasura ng Sandiganbayan ang 16 na counts ng graft laban kay Revilla kaugnay sa pork barrel scam dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Sa statement, sinabi ng Office of the Ombudsman na iginagalang nito ang desisyon ng Sandiganbayan Special First Division na paboran ang demurrer to evidence ni Revilla.
Ang pagkatig sa demurrer to evidence ay katumbas ng acquittal sa kaso dahil cleared na ito sa kaso at hindi na kailangang magprisinta ng ebidensya.
Nagtakda anila ng polisiya si Ombudsman Samuel Martires na huwag nang kuwestyunin ang dismissal o acquittal sa kaso ng trial courts o Sandiganbayan maliban kung may malinaw na mistrial at napagkaitan ang taumbayan ng due process.
Ang naturang polisiya ay sang-ayon anila sa constitutional rights ng defendants laban sa double jeopardy.
Moira Encina