Office of the President, hihingan ng paliwanag sa paggastos ng Intel funds
Hihingan ng paliwanag ni Senador Panfilo Lacson ang Office of the President kung paano nito ginagastos ang kaniyang Intelligence fund.
Sinabi ni Lacson na isang ahensya lang ang pinaglalaanan ng pondo kaya nakapagtatakang patuloy ang paglobo ng halaga nito.
Sa susunod na taon, ang tanggapan ng Pangulo ay humihingi ng 4. 5 billion para sa Intelligence at confidential expenses.
Ayon sa senador noong nakaraang administrasyon, umaabot lang sa 700 million ang Intelligence fund pero lomobo na ito sa multi-billion pesos sa ilalim ng Duterte administration.
Bukod sa Intel funds ng tanggapan ng Pangulo, kontrolado rin nito ang pagpapalabas ng Intel funds ng buong burukrasya kabila na ang Department of National Defense at Philippine National Police.
Meanne Corvera