Office of the Solicitor General hiniling sa Court of Appeals na pagtibayin ang kautusan ng DOLE na iregular ang mahigit 7000 empleyado ng PLDT

Pinababaligtad ng Office of the Solicitor General sa Court of Appeals ang desisyon nito kaugnay sa isyu ng regularisasyon ng mahigit 7000 empleyado ng PLDT.

Sa limamput-siyam na pahinang motion for reconsideration, hiniling ng OSG na kumakatawan sa DOLE na ibalik at pagtibayin ng CA ang kautusan ng kagawaran na nag-a-atas sa PLDT na gawing regular ang mga kawani ng telecom company.

Sa kinukwestyon ruling ng CA Tenth Division noong Hulyo, kinatigan lamang nito ang pagregular sa  mga kawani na nasa installation, repair at maintenance ng communication lines ng kumpanya.

Pero pinigil ng CA ang regularisasyon ng mga nasa call center, janitor, clerk, IT support, sales at nasa medical, dental, engineerings at iba pang professional services ng PLDT.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, erroneous  ang ruling ng CA na nagsasabing ang ilang kontraktor ng PLDT ay labor-only contractors batay lamang sa nature ng trabaho o serbisyo.

Kinontra ng OSG ang paggamit ng korte ng “direct-relation test”  sa pagdetermina kung mayroong labor -only contracting.

Dapat anyang ikinonsidera ng CA ang lahat ng factor sa relasyon ng PLDT at mga individual contractors na nagpapakita na ang mga ito ay labor-only contractors.

Hindi lang anya dapat nature ng serbisyo kundi maging sa kontrol ng kumpanya sa mga kawani ay dapat na tingnan din.

Iginiit pa ni Calida  na masusing pinagaralan ng DOLE ang kaso sa bawat kontraktor na sangkot bago ipalabas ang kautusang iregular ang mga PLDT employees.

Idinipensa rin ng OSG ang kompyutasyon ng DOLE sa monetary awards sa mga kawani na umaabot sa 51.6 million pesos.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *