Office of the Solicitor general, iginiit na hindi dapat isapubliko ng Korte Suprema ang mga dokumento sa drug war ng pamahalaang Duterte
Naglabas ng kondisyon ang Office of the Solicitor General bago nito isinumite sa Supreme Court ang mga dokumento kaugnay sa giyera kontra droga ng pamahalaan.
Sa panayam sa Korte Suprema, sinabi ni Solicitor General Jose Calida na ang kondisyon nila ay hindi dapat ibigay ng SC sa mga petitioners kontra drug war ang mga dokumento.
Inatasan noong nakaraang taon ng Supreme Court ang OSG sa isinagawang oral arguments na isumite ang pangalan ng mga biktima ng drug war, petsa at lugar kung saan ginawa ang operasyon, pangalan ng PNP team leader at mga tauhan nito na nagsagawa ng operasyon at pangalan ng media, NGO at barangay official na naging saksi sa operasyon.
Nais din ng petitioners na makakuha ng kopya ng nasabing dokumento.
Ayon kay Calida, tinutulan niya noong una ang nais ni Senior Associate Justice Antonio Carpio pero bilang pag-respeto ay tumugon ang OSG pero naglatag sila ng kondisyon.
Sumangayon naman anya ang Supreme Court sa kondisyon nila dahil walang itong ipinalabas na kautusan paran bigyan ng kopya ang kampo ng mga petitioners ng mga drug war documents.