Office of the Solicitor General, iginiit na walang masamang epekto sa Justice system ng bansa ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC
Nanindigan ang Office of the Solicitor General na walang masamang epekto sa justice system ng bansa ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC).
Iginiit ni Solicitor General Jose Calida na gumagana independently ang sistema ng katarungan ng Pilipinas miyembro man ito o hindi ng ICC.
Katunayan anya nagpapatuloy ang imbestigasyon at prosekusyon sa mga kaso at insidente ng pagpatay kaugnay sa droga sa bansa.
Batay anya sa datos ng gobyerno, as of 2018, umaabot na sa mahigit 49 thousand na drug-related cases ang naisampa na sa korte at mahigit 75 thousand na kaso ang nakabinbin sa mga piskalya.
Ayon pa kay Calida, may mga kaso ring nakabinbin sa Korte Suprema kaugnay sa sinasabing mga paglabag sa giyera kontra droga ng gobyerno.
Bukod dito ay may mga batas anya ang Pilipinas na nagbibigay ng sapat na remedyo at proteksyon sa mga karapatan ng Filipino gaya
RA 9851 o ang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity,”
Binigyang- diin pa ng OSG na hindi maaring pwersahin ang Pilipinas na mapasailalim ng hurisdiksyon ng ICC.
Bilang isang sovereign state anya ay prerogative ng Pilipinas kung nais nito na maging partido o hindi sa ICC.
“All these facts show that the government is not unwilling or unable to prosecute these crimes, despite what administration critics say,” Calida said. “Our government institutions continue to function, investigate, and prosecute these cases despite membership or non-membership in the ICC. The Philippines cannot be coerced to submit to the jurisdiction of the ICC. We have validly withdrawn from the Rome Statute pursuant to Article 127 thereof. As a sovereign state, it is our prerogative to be a party to the Rome Statute or not”. – SolGen Jose Calida
Ulat ni Moira Encina