Office of the Solicitor General ikinalugod ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa legalidad ng ikatlong Martial Law extension sa Mindanao

Pinuri ng Office of the Solicitor General ang Korte Suprema sa pagpapatibay nito sa constitutionality ng ikatlong extension ng batas militar sa Mindanao.

Sa isang pahayag, sinabi ng OSG na ang nasabing desisyon ng Supreme Court ay isang mahalagang hakbang para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Naniniwala rin ang OSG na bukod sa ruling ng Korte Suprema ay makakatulong din para magkaroon ng katahimikan sa rehiyon ang naging matagumpay na pagsasagawa ng plebisito ukol sa Bangasamoro Organic Law.

Sa botong 9-4, ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ipatigil ang muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *