Office of the Solicitor General, nanindigan na walang conflict of interest sa Security agency ni Solgen Calida

Nanindigan ang Office of the Solicitor General o OSG na walang conflict of interest sa kontrata ng ilang ahensya ng pamahalaan sa security agency na pag-aari ni Solicitor General Jose Calida.

Sa pahayag ng OSG, iginiit na hindi naman kailangan ng pag-apruba nito ang mga kontrata ng Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated ni Calida.

Ayon pa sa OSG, hindi nito niri-regulate, pinapangasiwaan o nili-lisensyahan ang mga security firms gaya ng Vigilant.

Nagbitiw na rin anya si Calida bilang chairman at presidente ng Vigilant noong May 30, 2016 bago ito maupo bilang SolGen.

Dahil dito ay wala anilang nilabag at nakatugon si Calida sa Section 9  ng Republic Act 6713 o Code of Conduct for Public Officials and Employees.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *