Offline digital payments, pinag-aaralan ng BSP
Isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang offline digital payment solutions para lalong ma-boost ang financial inclusion sa bansa.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, pinag-aaralan ng central bank ang pagpursige sa offline digital payments upang ma-enable pa rin ang mga transaksyon nang hindi kailangan ng internet connection.
Ito ay kahit ang epektibo at reliable internet connectivity ay mahalaga para umusbong ang digital finance sa bansa.
Ang nasabing inisyatiba ay inaaksyunan ng BSP sa ilalim ng Digital Payments Transformation Roadmap (DPTR).
Layon ng DPTR na ma-convert ang 50% ng volume ng retail payments sa digital form at mapasama ang 70% Filipino adults sa formal financial system pagdating ng 2023.
Moira Encina